|
||||||||
|
||
Chairman Licuanan, pinaalalahanang magpadala ng courtesy resignation
SAKOP si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan ng Memorandum Circular No. 4 na nag-uutos sa lahat ng mga hinirang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na magsumite ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella na isang liham, isang circular ang inilabas noong ika-22 ng Agosto na humihiling sa mga presidential appointees na magbitiw. Inalam umano niya sa tanggapan ng executive secretary na walang courtesy resignation mula kay Dr. Licuanan.
Kamakalawa, hinilingan siya na huwag nang dumalo sa Cabinet meetings mula kahapon dahil sa pagkakaiba ng mga pananaw kay Pangulong Duterte. Nakatanggap na rin ng parehong mensahe si Vice President Robredo kaya't nagbitiw na sa pagiging Kalihim o Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Nabanggit ni Dr. Licuanan na hindi na siya dadalo sa pulong subalit magpapatuloy siyang maglingkod bilang pinuno ng komisyon sapagkat matatapos ang kanyang termino sa 2018.
Iginiit ni Secretary Abella na kailangan ang courtesy resignation ng tanggapan ng pangulo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |