|
||||||||
|
||
Pagpatay kay Mayor Espinosa, isang rubout
INILABAS ng National Bureau of Investigation sa kanilang kasabay na pagsisiyasat sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at kapwa bilanggo sa sub-provincial jail ay isang rubout na ginawa ng ilang tauhan ng pulisya.
Ayon kay Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, ayon sa testimonial at forensic evidence, nagkaroon ng pagsasabwatan ang mga pulis na nagdala ng search warrant kay Espinosa noong madaling araw ng Sabado, ika-lima ng Nobyembre.
Walang barilang naganap bagkos ay isang rubout ang nangyari, dagdag pa ni G. Lavin. Isang "premeditated killing" ang kanilang nabatid ayon sa pagsisiyasat.
May reklamo nang murder, robbery, malicious procurement of search warrant, perjury at pagtatanim ng ebidensya ang ipinarating sa Department of Justice noong Biyernes laban sa 25 katao na kinabibilangan ni Supt. Marvin Marcos, dating CIDG director sa Eastern Visayas at iba pang kasapi ng sumalakay na koponan.
Kinasuhan din ng perjury at malicious procurement of search warrant si Paul Olendan, ang saksing ginamitng pulisya upang magkaroon ng search warrants laban kina Yap at Mayor Espinosa mula kay Judge Tarcelo Sabarre, Jr. ng Regional Trial Court Branch 30 sa Basey, Samar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |