|
||||||||
|
||
Kabataang Filipino, biktima ng pang-aabuso
IBINUNYAG ng UNICEF, isang ahensyang nagsusulong ng mga karapatan ng mga kabataan na lumabas sa kanilang pag-aaral na mataas ang bilang ng pang-aabuso sa mga kabataang Filipino, walo sa bawat sampu ang nahaharap sa physical o psychological abuse.
Pinakamataas ito sa mga tinaguriang tomboy, bakla, mga bisexual at transgender na kabataan.
Sa isang ulat ng UNICEF, nabatid na isang survey na kinatampukan ng 3,866 na bata at kabataang mula sa 13 hanggang 24 na taong gulang ang kinakitaan ng isa sa bawat lima na hinalay. Higit sa 60% ng mga bata ang naharap sa physical violence sa loob ng tahanan. Karamihan ng mga biktima ay batang lalaki.
Ayon kay Lotta Sylwander ang Pilipinas ang sentro ng pag-abuso sa mga kabataan sa pamamagitan ng internet sapagkat malaking negosyo ang child pornography sa bansa.
Wala pang tugon ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Duterte sa pangyayaring ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |