|
||||||||
|
||
HINDI papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makulong ang mga pulis na diumano'y pumatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolndo Espinosa, Sr.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya papayagang makulong ang mga pulis kahit sabihin ng NBI na murder ang ginawa noong nakalipas na buwan.
Ginawa ni G. Duterte ang talumpatiu sa Urban Solidarity Week sa Mandaluyong City. Ito ang kanyang reaksyon matapos lumabas ang pagsisiyasat ng NBI na napaslang si Espinsa sa rubout at hindi sa pakikipagbarilan sa mga pulis.
Nanawagan siya sa NBI na magparating ng usapin sa hukuman subalit naniniwala siya sa bersyon ng mga pulis na pinamumunuan ni Supt. Marvin Marcos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |