|
||||||||
|
||
Mga isyung dapat daluhan ni Pangulong Duterte, kinilala
NAKIISA ang Bagong Alyansang Makabayan sa iba't ibang human rights group sa malawakang protesta sa darating na ika-10 ng Disyembre sa paggunita ng International Human Rights day.
Ayon sa grupo, humihingi sila ng katarungan para sa mga biktima ni Marcos sa kasaysayan ng human rights at maging ang mga biktima ng patuloy na paglabag sa karapatang pangtao. Ang paglilibing kay Marcos at ang pagbabalik ng angkan ang nagiging panganib sa maayos na pagbabayad sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pangtao.
Nanawagan rin sila sa madaliang pagpapalaya sa may 400 political prisoners sapagkat sila'y nabimbin ng walang sapat na dahilan. Hindi kailanman nararapat magamit ang mga biktima sa pakikipag-usap ng pamahalaan hinggil sa kapayapaan.
Hinihiling din ng Bayan ang pagtigil sa militarisasyon sa kanayunan. Daan-daang mga magsasaka mula sa Kabisayaan ang apektado ng militarisasyon na nasa Maynila upang magprotesta.
Kailangan ding mawakasan ang kawalan ng pananagutan sa pakikidigma ng pamahalaan laban sa droga sa pagtaas ng bilang ng mga napapaslang at mga alagad ng batas na lumakas ang loob sa mga pahayag ng pangulo ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |