|
||||||||
|
||
Tatlong hukom na pinangalanan ni Pangulong Duterte, malinis
MALINIS ang tatlong huwes na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs matapos walang makuhang ebidensyang magpapatotoo sa akusasyon. Walang naipadalang ebidensya ang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police laban sa mga hukom na sina Exequiel Dagala ng Dapa-Socorro, Surigao municipal circuit trial court, Adriano Savillo ng Iloilo City Regional Trial Court at Domingo Casiple ng Kalibo, Aklan Regional Trial Court.
Ayon sa Korte Suprema, tuloy ang kanilang pangakong hindi makalilimot sa kanilang responsibilidad na magdisiplina sa mga nagkakasalang alagad ng hukuman at maging mga tauhan nito. Nananatili rin ang kanilang paninindigan na 'di magagamit upang sirain ang sinumang kawani ng mga hukuman sa paghahatol base sa espekulasyon o paniniwala lamang.
Si Retired Supreme Court Associate Justice Roberto Abad ang namuno sa fact-finding investigation at siya rin ang natapos ng inquiry laban sa apat sa ttlong hukom. Naghihintay pa ng tugon si Justice Abad mula sa pulisya at PDEA sa kanyang katanungan hinggil sa hukom na si Antonio Reyes ng Baguio City Benguet RTC.
Sumangayon ang Korte Suprema sa rekomendasyon ni Justice Abad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |