|
||||||||
|
||
Death penalty pasado na House Justice Committee
NAKAPASA na sa House Committee on Justice ang substitute bill na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan bilang parusa sa mga karumal-dumal na krimen.
May 12 mambabatas ang pabor samantalang anim ang kontra at isa ang hindi lumahok sa botohan. Tumanggi ang lupon sa kahilingang pagbalik-aralan ang lahat ng detalyes ng panukalang batas.
Ayon kay Congressman Vicente Veloso, chairman ng sub-cmmittee na nagbalik-aral sa substitute bill sa death penalty na napapanahon ng ibalik ang parusang kamatayan na hindi na natatakot sa pagkakabilanggo ng habang-buhay na isinasaad sa Revised Penal Code.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |