Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, naniniwalang walang kasalanan ang mga pulis

(GMT+08:00) 2016-12-07 20:21:18       CRI

Special Report

Paglabag sa Karapatang Pangtao nagpapatuloy pa

MAS MARAMING NAPASLANG NGAYON KAYSA MGA NAUNANG TAON NG MARTIAL LAW. Ito ang sinabi ni Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon (kaliwa) sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido. Lubos umano itong nakababahala. Nasa kanan si Jigs Clamor, Deputy Secretary General ng Karapatan, isang human rights group. (Melo M. Acuna)

HIGIT SA 70,000 BIKTIMA NG MARTIAL LAW, MAY APPLICATION FORMS. Sinabi ni Chairperson Lina Sarmiento ng Human Rights Victims Claims Board na sinusuri na nila ang mga application form ng mga biktima ng batas militar upang mabigyan ng kaukulang bayad-pinsala. Umaasa silang matatapos ang lahat sa 2018. (Melo M. Acuna)

SINABI nina Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon at Jigs Clamor ng Karapatan na nagpapatuloy pa ang mga paglabag sa Karapatang Pangtao kahit pa natapos na ang martial law ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Chairman Gaston na nararapat daluhan ng ehekutibo ang mga problemang dulot ng mga pagpaslang sapagkat umabot na sa higit sa 5,000 katao ang napapaslang sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga sa kulang na anim na buwan.

Ani G. Gascon, mas mataas pa ito sa bilang ng mga napatay noong mga unang taon ng martial law ni Marcos. Nakababahala ito, dagdag pa ni G. Gascon sapagkat wala pang napapanagot sa mga autoridad.

Masusugpo sana ang mga problema kung dinadaluhan lamang ni Secretray Vitaliano Aguirre ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Justice. Ang nakalulungkot, sabi ni G. Gascon ay abala si G. Aguirre sa pagdalo sa pagdinig ng Senado at Kongreso.

Sinabi naman ni Chairperson Lina Sarmiento ng Human Rights Victims Claims Board na ginagawa nila ang lahat upang matapos ang higit sa 70,000 mga application form sa kanilang tanggapan. Hindi ganoon kadali ang magagawa ng kanilang tanggapan sapagkat limitado sila. Pinaghatian na ng mga kasapi sa claims board ang pagpoproseso ng application forms. Umaasa silang matatapos ang proseso sa may 30,000 applications bago matapos ang taong 2016.

Ipinaliwanag pa niya na may sinusunod na pamantayan ang Board upang pawang mga lehitimong biktima ang mabibigyan ng kompensasyon.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>