|
||||||||
|
||
20170104Meloreport.mp3
|
TINIYAK ni Budget Secretary Benjamin Diokno na makatatanggap ng dagdag na sahod ang mga pulis at kawal mula ngayong Enero 2017 bilang ikalawang bahagi ng salary standardization program ng pamahalaan.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni G. Diokno na ang dagdag na benepisyo para sa mga kawal at pulis ay para sa kanilang sahod at allowance.
Apat na bahagi ang dagdag-sahod, ani G. Diokno. Nagbigay na ng bahagi ng dagdag sahod noong nakalipas na taon at makatatanggap ng biyaya ang mga sibilyan, militar at pulis.
Kabilang sa mga sibilyan ang mga guro at mga naglilingkod na narses sa mga magamutan. Niliwanag niyang hindi madodoble ang mga sahod sapagkat ang sahod ng mga guro ng pamahalaan ay tumatanggap ng mas mataas kaysa mga nasa pribadong paaralan.
Madodoble ang sahod ng mga kawal sa taong 2018, dagdag pa ni G. Diokno. Kung maipapasa ang tax reform, mababawasan na kasi ang personal income tax rate mula sa 32% ay magiging 25% na lamang.
Nagkaroon ng paunang bayad ang nakalipas na administrasyon noong 2016 at kikilalanin nila ito subalit maaaring magkaroon ng problema sapagkat hindi dumaan sa Kongreso at isinama na lamang sa budget.
May nakalaan ng salapi para sa 2017 budget para sa salary increase subalit idaraan pa sa Kongreso at hihingi ng pahintulot.
Naghahanap pa rin ng paraan ang pamahalaan para sa pension pay ng mga kawal. Hirap umanong kumilos ang pamahalaan sa batas na ipinasa noong panahon ni Pangulong Fidel Ramos na nagtakda ng kapantay ng pensyon sa tinatanggap ng mga naglilingkod pa sa pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |