|
||||||||
|
||
Senador Trillanes, tumangging sangkot sa gulo sa Bilibid
MARIING itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV na sangkot siya sa isang saksakang naganap sa loob ng New Bilibid Prison noong nakalipas na Setyembre na ikinaswi ng isang banyagang drug lord at ikinasugat ng ilan pang bilanggo.
Ito ang kanyang tugon sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na isang tauhan ng Philippine Navy ang nagsabing sangkot siya at si Senador Leila de Lima sa naganap na saksakan. Malayo umano sa katotohanan ang pahayag na ito, dagdag pa ng mambabatas.
Binanggit na rin ni G. Aguirre na ang bintang ay hindi suportado ng anumang ebidensya.
Sa isang pahayag na inilabas ngayon, sinabi ni Senador Trillanes na itinatanggi niya ang alegasyon na sangkot siya sa pagkakasaksak kay Jaybee Sebastian.
Nangako ang senador na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa paratang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |