Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pulis at kawal, tatanggap ng dagdag na sahod

(GMT+08:00) 2017-01-04 16:15:26       CRI

Barko ng Russia, dumalaw sa Maynila

ISANG barkong pandigma ng Russia ang dumaong sa Maynila kaninang umaga para sa isang maritime exercise kasama ang Philippine Navy.

Ang barkong Admiral Tributs, isang malaking barkong panglaban sa mga submarino at isang malaking sea tanker na may pangalang Boris Butoma ang dumating sa South Harbor kanina.

Ibinalita sa media na ang mga barko ng Russia ay nasa Pilipinas para sa isang "goodwill visit."

Ipakikita ng mga magdaragat na Russo ang kanilang gamit at kakayahan sa darating na Huwebes.

Nabanggit na ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang maging malapit na kaibigan ang Russia bilang pagpapatunay sa kanyang independent foreign policy.

Naibalita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-alok ang Russia na magbili ng isang submarino kasama ang mga drone upang mapalakas ang modernization program ng sandatahang lakas.

Pinag-aaralan ng Department of Nationala Defense ang pagbili ng drones at sniper rifles mula sa Russia.

Nakausap na ni Secretary Lorenzana si Alexander Fomin, director ng Federal Service for Military Technical Cooperation ng Russian Federation sa Moscow upang alamin ang mga mapagkakasunduan sa Russia.

Nakaharap na rin ni Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. ang kanyang Russian counterpart upang mapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>