|
||||||||
|
||
Colonel Marcelino sumuko na sa mga autoridad
SUMUKO na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa mga kinauukulan kahapon ng hapon, ilang araw matapos maglabas ang isang hukuman ng isang arrest warrant matapos isangkot sa isang usaping may kinalaman sa droga.
Ayon kay Colonel Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, sumuko ng boluntaryo si Col. Marcelino sa provost marshall. Sinamahan siya ng kanyang kapatid na babae.
Pinoproseso na ang mga papeles ni Marcelino at maaaring hilingin sa hukuman na manatili na lamang ang opisyal sa pangangalaga ng Armed Forces of the Philippines.
Mayroon ng kinuhang fingreprinting, mugshots at physical examination sa opisyal. Magkakaroon ng petisyon ang AFP sa hukuman para sa pananatili ng kanilang tauhan sa loob ng kampo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |