|
||||||||
|
||
Milyon-milyon ang inaasahan sa Pista ng Itim na Nazareno
SA inaasahang pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo, kinansela na ng Lungsod ng Maynila ang pasok sa paaralan at mga tanggapan sa Lunes, ika-siyam ng Enero.
Ang kapistahan ng Itim na Nazareno ang isa sa pinakamalaking pagdiriwang ng mga Katoliko sa bansa at kinatatampukan ng halos 24 na oras na prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno na pitong kilometro lamang ang layo.
Tinatayang mula 15 hanggang 18 milyon ang mga debotong dumadalaw sa basilica minore mula ika-31 ng Disyembre hanggang Enero a-dies. May 1,000 mga pulis ang ikakalat sa pagdiriwang.
Magiging mahigpit ang seguridad sa pagdiriwang. Noong nakalipas na taon ay umabot sa 1.5 milyon ang lumahok sa prusisyon. Mula sa Mexico ang imahen noong taong 1607.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |