|
||||||||
|
||
20170105Meloreport.mp3
|
MAGIGING prayoridad sa darating na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Pilipinas sa Nobyembre ang 'di pa natatapos na 'di pagkakaunawaan sa hangganan ng South China Sea.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo sa isang press briefing sa Malacanang kanina. Ani Undersecretary Manalo, umaasa ang ASEAN na makapagpapasa ng Code of Conduct sa South China Sea upang maibsan ang tensyon sa karagatan.
Idinagdag pa ni G. Manalo na makakasama rin ang Declaration of the Code of Conduct at nilalaman ng Code of Conduct. Pinakalayunin ang pakikipagtulungan sa Tsina, hindi lamang ng Pilipinas kungdi ng buong ASEAN sa Tsina at magtatangkang magkaroon ng framework para sa Code of Conduct sa pagtatapos ng taon. Isa ito sa mga prayoridad ng Pilipinas.
Hindi na umano kailangan pang pag-usapan ang lumabas ng desisyon sa arbitral tribunal sapagkat nakatala na ang desisyon. Prayoridad na ang pagkakaroon ng Code of Conduct.
Kahit pa taliwas ang paninindigan ng Pilipinas at Tsina, laging may pagkakataong makapag-usap, dagdag pa ni G. Manalo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |