|
||||||||
|
||
Mga pagbabago sa ekonomiya, magaganap subalit matatag pa rin
UMAASA ang First Metro na magkakaroon ng pagbabago sa taong ito subalit mananatiling matatag ang ekonomiya.
Sa isang pahayag na nakarating sa CBCP Media Office, sinabi ni Rabboni Francis Arjonillo, pangulo ng First Metro Investment Corporation, ang investment banking arm ng Metrobank Group, na ang Gross Domestic Product ng bansa ay inaasahang lalago mula 7.0 hanggang 7.5% dala ng mas mataas na capital investments sa patuloy na paggasta ng pamahalaan sa infrastructure na sinasabayan ng maasahang foreign domestic investments, mas matatag na consumer expenditure, 'di nagbabagong padalang salapi ng mga Filipino sa iba't ibang bansa at matibay na Business Process Outsourcing.
Ayon kay G. Arjonillo, matatag ang ekonomiya ng Pilipinas at mahihigitan ang nagaganap sa mga kalapit bansa sa ASEAN. Magkakaroon din ng maraming pagbabago sa loob at labas ng bansa subalit ang mga pagbabagong ito ay malalampasan dahila sa maayos na macroeconomic fundamentals at maayos na daloy papasok ng investments.
Maaaring tumaas ang inflation mula sa 2.8 hanggang 3.2% dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at mas mahinang piso.
Patuloy na maasahan ang padalang salapi ng mga nangibang-bansang mga Filipino kasabay ng kaunlarang magaganap sa ekonomiya ng Estados Unidos. Lalago pa rin ang ekonomiya sa dalawa hanggang apat na porsiyento. Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay mangangahulugan ng higit na manggagawang kakailanganin.
Tinaya pa ni G. Arjonillo na makakabawi ang exports ng Pilipinas sa pagkakaroon ng lima hanggang walong porsiyento. Sa pag-unlad ng ekonomiya ng Estados Unidos na pinaroroonan ng 16% ng exports ng bansa. Ang imports mananatili sa 10 hanggang 14% dahil sa mataas na presyo ng petrolyo. Umaasa rin si G. Arjonillo na makakamtan ng mga Pilipino ang exchange rate P 51.00 sa bawat dolyar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |