|
||||||||
|
||
Labing-walong takas, nadakip sa North Cotabato
SA pagpapatuloy ng operasyon ng militar at pulis na madakip ang mga tumakas na bilanggo, may 18 ang nahulog sa kamay ng batas.
Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, kumilos ang mga autoridad sa ulat na nagkuta ang mga tumakas sa Barangay Bangilan, Kabacan, North Cotabato, sumalakay ang mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Lomas sa ilalim ng Task Force Central at Cotabato Provincial Police Office sa ilalim ni Police Sr. Supt. Peralta at nakadakip ng 18 takas na bilanggo.
Tuloy pa rin ang operasyon sa mga bayan ng Kabacan at Matalam. Magugunitang tumakas ang higit sa 150 mga bilanggo matapos sumalaks ang mga armadong kalalakihan kamakailan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |