|
||||||||
|
||
20170119ditorhio.m4a
|
Siguradong marami sa inyo ang gumagamit o pamilyar sa Uber, Grab at iba pang e-cab service. Sa mga nakalipas na taon, patuloy na bumibigat ang situwasyon ng trapiko sa atin diyan sa Pilipinas, lalo na kung rush hour, di po ba? Kaya naman, naging importanteng bahagi ng transportasyon nating mga Pinoy ang mga e-cab service na ito. Tulad din sa Pilipinas, marami ring e-cab service na naging popular dito sa Tsina, lalo na sa malalaking lunsod na tulad ng Beijing at Shanghai. Napakaraming Tsino ang gumagamit ng mga ito, lalo na ang mga nag-o-opisina na gaya ng inyong lingkod.
Pero, kamakailan, isa pang mode of transportation na unique dito sa Tsina ang sumikat at napaka-episyente, at ito ang Mobike.
Ang Mobike ay isang bike rental service, pero, di-tulad ng mga e-cab, makikita ang mga bisikletang ito kahit saan sa Beijing. Kulay orange o kahel, kapansin-pansin ang mga bisikletang ito. Ang kailangan lamang gawin ay i-download sa mobile phone ang Mobike app, at sa pamamagitan ng We Chat social media platform, mag-deposito ng 299RMB, maaari na ninyong gamitin ang mga bagung-bagong bisikleta sa halagang .50 hanggang 1RMB. Ang pagbabayad ay sa pamamagitan din ng We Chat.
Ito'y napaka-episyente at kombinyenteng paraan ng pagbabawas trapiko, magandang ehersisyo, tipid sa gasolina, at mabilis na paraan ng pagpunta sa paroroonan.
Ang mga bisikletang ito ay "smart," ibig sabihin, ang mga ito ay mayroong microchip at global positioning system (GPS) na nagre-rekord sa rutang dinadaanan, at magsasabi sa nais gumamit kung saan makikita ang mga bisikleta, sa pamamagitan ng smart phone.
Ayon sa www.techinasia.com, nagsimula ang Mobike nang mawala ang Uber China dahil sa merger nito sa Didi, isang local e-cab service.
Pinasimulan ni Ex-Uber Shanghai General Manager Wang Xiaofeng ang Mobike.
Mula sa Shanghai at kumalat ito sa Beijing noong nakaraang taon.
Unfortunately, tulad sa Pilipinas, may mga matitigas din ang ulo na sumisira sa mga bisikleta. Halos 100 Mobike ang nasiraan ng QR Code noong July dahil sa mga pasaway. Pero, hindi nasiraan ng loob ang kompanya, at nagpatuloy ito sa operasyon at ngayon, malaganap na ito sa malalaking lunsod ng Tsina.
Ang mga bisikleta ay hindi gumagamit ng anumang parking station sa mga kalye, ibig sabihin, pagkatapos gamitin, maaari na itong i-lock at iwanan sa tabi ng kalsada. Pero, ibig sabihin din nito, maaari ring iwanan ang mga bisikleta sa mga tinatawag na "bad places," kung saan hindi ito madaling ma-access ng iba pang piotensyal na gagamit. Para maiwasan ito, naglagay ng poins-based system ang kompanya para parusahan ang mga pasaway.
Ayon sa fortune.com, may $215 million series D funding ang Tencent Holdings at Warburg Pincus LLC sa Mobike.
Ang Mobike ay itinayo noong 2015, at ito ay isa sa mga bike-sharing services sa Tsina.
Ilan pa sa mga bagong investor ng Mobike ay ang Chinese travel company na Ctrip.com International, private equity firm na TPG Capital at Huazhou Hotels Group.
Ayon kay Pony Ma, Chairman at Chief Executive ng Tencent, "our investment in Mobike demonstrates our commitment to supporting the development of the sharing economy and smart cities in China."
Ang Mobike ay mayroon na ngayong operasyon sa 9 na lunsod ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |