|
||||||||
|
||
20161215ditorhio.m4a
|
Alam po ba ninyo na ang Pilipinas at Tsina ay mayroon nang mahigit isanlibong taong kasaysayan ng pagkakaibigan? In fact, malaki ang posibilidad na ang Tsina ay ang unang bansang nagkaroon ng kaugnayan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng trade. Sa madaling salita, posibleng ang Tsina ang unang naging kaibigan ng Pilipinas.
Naniniwala ang mga Pilipinong historian na nagsimula ang relasyong Sino-Pilipino noong 9th century, sa panahon ng Tang Dynasty ng Tsina (618-906 A.D.).
Maraming Tang Dynasty stoneware ang natagpuan sa Babuyan Islands, baybayin ng Ilocos, Pangasinan, Mindoro, Batangas, Manila, Bohol, Cebu, Jolo, at Cagayan de Oro. Ibig sabihin, noong panahong iyan, mayroon nang kaugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga sinaunang Tsino.
At mismong ang dating pangulo ng Tsina na si Jiang Zemin, ay nagsabing mayroon nang mahigit isanlibong taong kasysayan ang relasyon ng Tsina at Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency noong October 30, 2001, sa panahon ng pagbisita ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Tsina, sinabi ni Pangulong Jiang na "the Chinese and Philippine peoples have had a time-honored friendly relationship since the Tang Dynasty (618-907)." http://www.china.org.cn/english/2001/Oct/21398.htm
Ayon naman sa ulat ng Rappler noong March 6, 2015, sinabi ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na "Chinese and Filipino people "began friendly exchanges over 1,000 years ago."
Sinabi ni Zhao na noong panahong iyan, ang mga Pilipino ay nag-angkat ng seda mula sa Tsina, samantalang inangkat naman ng mga Tsino mula sa Pilipinas ang mga tanim na gaya ng mais, patatas, at kamatis. Dagdag pa ni Zhao, ayon sa Philippine statistics, 1.5% ng mga Pilipino ay may dugong Tsino.
"This clearly shows that our two nations are intertwined by both strong kinship and historic ties," aniya
http://www.rappler.com/nation/86001-china-philippines-diplomatic-relations-anniversary
Marami pang kagila-gilalas na bagay sa pagkakaibigang Sino-Pilipino. Alam ba ninyo na isa sa mga sultan ng Pilipinas ay matalik na kaibigan ng Emperador Yongle ng Ming Dynasty ng Tsina (1368 A.D.—1644 A.D.)? Ang sultan na ito ay nakalibing sa probinsyang Shandong ng Tsina at magpahanggang ngayon, binabantayan pa rin ng kanyang mga salinlahi ang musuleong ipinatayo para sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan, ang emperador ng Dinastiyang Ming.
Yongle Emperor
Ang libingan ni Sultan Paduka Pahala ng Sulu ay isang patunay ng napakatagal nang pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino.
Ayon sa mga datos ng Tsina, dinalaw ni Sultan Paduka Pahala ang Emperador Yongle noong taong 1417.
Naging mainit ang pagtanggap ng Emperador Yongle kay Sultan Paduka Pahala at kanyang delegasyong binubuo ng ilang daang katao. Nagtagal sila ng 27 araw sa Beijing. Pabalik na sana sa Pilipinas ang sultan subalit nagkasakit siya pagsapit sa Dezhou, siyudad sa lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, noong ika-13 ng Setyembre, 1417.
Nabalitaan ng emperador ang pagkakasakit at pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan kaya't inatasan niya ang kanyang mga opisyal na bigyan ng isang marangyang libing ang Pilipinong Sultan.
Kinilala ng Emperador Yongle ang kanyang kaibigan bilang isang matalino at mababang-loob na tao. Higit sa lahat, pinahalagahan niya ang ginawa ni Sultan Paduka Pahala upang higit na maging malapit ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Inatasan ng emperador ang kanyang mga tauhan na maglagay ng mga palamuti tulad ng mga inukit sa batong mga tao, kabayo at mga tupa sa katimugang bahagi ng kanyang puntod. Sa ganitong paraan, maihahalintulad ang puntod ng Pilipinong Sultan sa puntod ng mga prinsipeng Tsino.
Puntod ni Sultan Paduka Pahala
Family tree ni Sultan Paduka Pahala
Kasama ni Sultan Pahala sa pagdalaw sa Tsina ang kanyang maybahay na si Kamulin at tatlong mga anak na lalaki. Matapos ang libing ng Sultan, ang kanyang panganay na anak na lalaki, si Rajah Baginda ay bumalik sa Sulu upang halinhan ang kanyang ama.
Ang balong si Kamulin, ang pangalawang anak na si Wen at pangatlong anak na si An ay naiwan at nanirahan sa Dezhou upang bantayan ang puntod ng yumaong sultan. Binayaran pa ng Ming Dynasty ang mga naulila at binigyan pa ng lupain kasabay ng pagpapadala ng mga kawal na magbabatay sa puntod.
Sa panahon ng panunungkulan ng Emperador Shenzong noong 1573 hanggang sa mapalitan ng Emperador Xizong noong 1627, isang mosque ang itinayo sa pook na ito.
Hanggang ngayon ay pinapangalagaan at pinapaganda pa ang libingan ng Sultan ng Sulu. Ginawan na rin ng libingan sina Kamulin at dalawang anak na lalaki.
Bukod dito, may dalawa pang kamag-anak ang pumanaw na Sultan na nakasama sa pagtatanggol sa Tsina laban sa mga Hapones sa panahon ng World War II.
Naging mahalaga na rin ang papel ng mga kamag-anak ni Sultan Pahala sa lipunang Tsino.
Sa labas ng daan patungo sa libingan ni Sultan Pahala, makikita ang isang mosque na pinaglilingkuran ng mga inapo ni Sultan Pahala na sina An Fengdong at Ahung.
Ang musoleo na itinatag noong 1417 ay may sukat na halos lima't kalahating ektarya. Ang grand mausoleum ay may taas na higit sa apat na metro at may lawak na 16.6 metro.
Sa puntong ito, music break muna tayo. Narito ang isang magandang himig Tsino.
Mensaheng pampasalamat ni Embahador Ong sa Shandong at Dezhou sa kanyang pagbibigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala noong 1995
Inskripsyon ni Embahador Josue L. Villa ng Pilipinas sa Tsina sa kanyang pagbibigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala noong 2003
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |