Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya ng Pilipinas, matatag; 6.8% growth sa buong 2016

(GMT+08:00) 2017-01-26 19:10:52       CRI

Pagpaslang sa Koreano, may koneksyon sa "war on drugs"

SINABI ni Senador Risa Hontiveros na may koneksyon ang pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-joo sa madugong kampanya ng pamahalaan laban sa droga na ikinasawi na ng may 7,000 katao.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order na pinamunuan ni Senador Panfilo Lacson, sinabi ni Hontiveros na ang pagpatay kay Jee noong Oktubre ay maaaring "collateral damage" sa agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Nanawagan si Hontiveros kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa na suspendihin ang "war on drugs" hanggang hindi nalilinis ang hanay ng pulisya ng masasamang tao. Dinukot si Jee sa pagkakasangkot umano sa illegal drugs.

Ani Senador Hontiveros, lalong napagsasamantalahan at naaabuso ng mga masasamang pulis ang mga mamamayan.

Sumagot naman si General dela Rosa ay nagsabing hindi maititigil ang kampanya. May mga pulis ding napapaslang sa kampanya laban sa illegal drugs, dagdag pa ng heneral.

Niliwanag pa ni General dela Rosa na ang kautusan sa kanyang mga tauhan ay kumilos ng ayon sa batas.

NANUNUMPANG MAGSASABI NG KATOTOHANAN.  Dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order si Gng. Choi Kyung-jin at ang kanilang kasambahay.  Sinisiyasat ng Senado ang pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-joo noong nakalipas na Oktubre sa loob ng Campo Crame.  (Senate Photo)

BANTAY SARADO ANG SUSPECT.  Sinamahan ng mga tauhan ng pulisya si SPO3 Ricky Sta. Isabel sa pagdinig ng Senado kanina.  Siya ang itinuturong dumukot at pumatay sa Koreanong negosyante. (Senate Photo)

Dumalo rin sa pagdinig sa Senador ang balo ni G. Jee Ick-joo na si Choi Kyung-jin at ang kanilang kasambahay na si Marissa Morquicho.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>