Pinuno ng Anti-Money Laundering Council, nagbitiw
NAGBITIW na si Executive Director Julia Bacay-Abad sa kanyang posisyon sa Anti-Money Laundering Council.
Sa isang pahayag na idinaan sa electronic mail, sinabi ni Director Abad na hindi naging madali ang kanyang desisyon subalit ito na ang panahon upang lisanin ang Anti-Money Laundering Council mula bukas.
Ang kanyang pagbibitiw ay ayon sa estratehiya ng konsejp na magbagong lakas sa ilalim ng bagong liderato.
Magugunitang pinuna sila ni Pangulong Duterte sa hindi pagkilos sa ilang mga isyung binabanggit ng liderato.
1 2 3 4 5