|
||||||||
|
||
Mga beterano ng First Quarter Storm, nagsuri sa nagaganap ngayon
MAY kanya-kanyang karanasan ang mga naging panauhin sa idinaos na Tapatan sa Aristocat kaninang umaga.
Sinabi ni Gng. Candy Yuzon Yee, dating tagapagsalita ng grupo ng mga kababaihan, ang Makibaka, nanindigan sila sa pagsasanggalang sa kababaihan. Ang kanilang grupo ang nauna sa Gabriela na naninindigan sa mas magandang pagtrato ng lipunan sa kanilang hanay.
Ani Gng. Yee, sila ang nag-picket sa patimpalak kagandahang kinilala sa pangalang "Binibining Pilipinas" sapagkat nakikita nila ang komersiyalismo ng mga kababaihan.
Sa panig ni Mon Sto. Domingo, pangulo ng First Quarter Storm Foundation, hindi niya nasikmura ang nakitang pananakit ng mga pulis-Maynila at kabilang sa Metrocom noong ika-30 araw ng Enero dekada 70. Maraming nasaktan at nagkubli na lamang sila sa campus na University of the East matapos payagan ng security guard na sa loob ng campus sila magkanlong mula sa brutal na pagtrato ng mga alagad ng batas.
TANYAG NA MAMAMAHAYAG, MINSANG NAGING AKTIBISTA. Ito ang sinabi ni G. Jaime Florcuz, CNN Beijing Bureau chief sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina. Ginunita ang mga karanasan ng mga aktibista noong dekada sitenta. Nagmula sa Philippine College of Commerce si G. Florcruz na aktibo sa teatro na nagtatanghal sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan. (Melo M. Acuna)
Ang tanyag na mamamahayag sa Beijing na si Jaime Florcruz, isang institusyon sa larangan ng pagbabalita sa kanyang posisyon bilang CNN Beijing Bureau Chief, aktibo siya sa teatro na nagsasalamin ng ng mga nagaganap noon sa mga pabrika, tanggapan at maging sa mga lansangan. Kasama rin siya sa mga kabataang nagtipon sa Mendiola para sa unang bugso ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan ni Ferdinand Marcos.
PALITAN NG PANANAW, NAGPATULOY. Makikita ang dating aktibistang si Gary Olivar na nakikipagpalitan ng pananaw kay Eric Baculinao (pangalawa mula sa kaliwa), dating pangulo ng UP Student Council noong dekada sitenta. Na sa gawing kanan naman si G. Florcruz. Nagsilbing reunion ang talakayan kanina. (Tapatan Photo)
Sa kanyang personal na pananaw, sinabi ni Eric Baculinao, ang NBC Beijing Bureau Chief, kailangang matuto ang Pilipinas sa karansan ng Tsina, ang pagkakaroon ng iisang direksyon para sa bansa. Dito naging kahanga-hanga ang Tsina sapagkat sa likod ng pagbabago ng mga pinuno ng bansa, nagkakaroon ng iisang layunin at ito ay ang pagpapaunlad ng bansa at mga mamamayan.
May nakikitang liwanag naman si G. Gary Olivar sapagkat pinagtatangkaan ng pamahalaan ngayong maihatid ang kaunlaran sa kanayunan. Mayroong pagkilos para sa pagtatatag ng Federal System of government na kailangan upang umunlad ang mga rehiyon ayon sa kanilang kakayahan.
Sa katanungan kung maglalakas-loob pa rin ba ang mga aktibista noong lumabas at manindigan, sinabi ni G. Mon Sto. Domingo na mahalaga ang paninindigan sa oras ng pagsubok. Ito rin ang tugon ni Candy Yuzon Yee lalo pa't masasagkaan ang kalayaan ng mga nananampalataya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |