|
||||||||
|
||
Atty. Jude Sabio, naniniwala kay Edgar Matobato
ISANG abogadong katatapos pa lamang ng angioplasty sa Cagayan de Oro City ang nagboluntaryong maging abogado ni Edgar Matobato.
ATTY. JUDE JOSUE SABIO, BOLUNTARYONG ABOGADO. Ipinaliwanag ni Atty. Jude Sabio na isang boluntaryong abogado siya at walang anumang koneksyon sa mga partido politikal. Naniniwala siya sa sinasabi ni G. Matobato kaya't suportado niya ang panawagang mabatid ng madla ang naganap sa Davao City noong mga nakalipas na panahon. (Melo Acuna)
Ayon kay Atty. Jude Josue Sabio, isang abogadong nagpaka-dalubhasa sa criminal law, napanood niya sa telebisyon ang pagdinig ng Senado sa mga pahayag ni Edgar Matobato.
Nagulat umano siya sa mga pahayag ni G. Matobato at naniwala siya sa kredibilidad ng taong nakapag-aral lamang ng Grade 1. Malayo umano ang professional witnesses kay Matobato sapagkat kahit anong tanong ay nasasagot.
Nabiktima na rin umano ng torture si G. Matobato noong nagsabi siyang kakalas na siya sa Davao Death Squad. Sa pagpapasakit sa kanya sa Davao City, nasugatan ang isang bahagi ng kanyang katawan na hindi naghilom mula pa noong 2014. Napatunayan ito ng mga manggagamot sa Senado na nagsuri sa saksi.
Umaasa si Atty. Sabio na magtatagumpay sila sa kanilang reklamong inihain sa Ombudsman laban kay Pangulong Duterte sapagkat hindi saklaw ng immunity ang kanyang mga ginawa noong siya'y city mayor pa lamang sa Davao. Kung sakali mag magdesisyon ang Ombudsman na hindi kasama sa akusado si Pangulong Duterte mapapanagot pa rin ang mga pulis na kasama sa grupo ng mga salarin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |