|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap
200 grams ng celery
100 grams ng cashew nuts
50 grams ng lily
Para sa Seasoning
20 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
5 grams ng shallot, dinikdik
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang celery at gayatin nang pahilis. Pumili ng maliliit na lily at hugasan.
Initin ang mantika sa kawali at iprito ang cashew nuts. Hanguin makaraang magkulay brown.
Ilagay ang celery sa mantikang pinagprituhan ng cashew nuts at igisa sa loob ng 30 seconds. Idagdag ang lily at ang piniritong cashew nuts. Haluhaluin. Timplahan ng asin, asukal at mixture of cornstarch ang water at ituloy pa ang paghahalo hanggang maluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |