|
||||||||
|
||
20170220Meloreport.mp3
|
SINALAKAY ng mga 'di mabatid na bilang ng mga pirata ang MV Giang Hai, isang barkong Vietnames kagabing mga ikapito, may 17 nautical miles sa hilaga ng Pearl Bank. Nagpalutang-lutang ang sasakyang-dagat palapit sa Baguan Island, Taganak.
Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, tumawag ang Vietnamese Coast Guard sa Philippine Coast Guard hinggil sa pangyayari. Inatasan ng Philippine Coast Guard ang kanilang mga tauhan sa Taganak Station at nagpadala ng dalawang speedboat na sinakyan ng mga tauhan ng Coast Guard at Philippine Marines.
Nailigtas nila ang 17 Vietnamese na sakay sa barko samantalang natagpuan ang isang napaslang na magdaragat. Pito sa mga Vietnames ang dinukot. Hindi mabatid kung saan dinala ang pitong magdaragat. May 25 kataong sakay ng barko.
Dumating sa baybay-dagat ng Taganak ang barko mga ika-11 ng umaga kanina. Binalaan na rin ang iba pang magdaragat na maging maingat. Naglunsad na ng pursuit operations ang mga tauhan ng Maritime Patrol kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |