|
||||||||
|
||
Paglantad ni Lascanas, bahagi ng demolition job
SINABI ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na bahagi lamang ng isang "demolition job" ang pahayag ni SPO3 Arthur Lascanas na sumunod lamang siya sa mga utos ni dating Mayor at ngayo'y President Rodrigo Duterte sa pagpatay sa mga drug suspect at mga kalaban sa Davao City bilang bahagi ng Davao Death Squad.
Sa isang pahayag, ang ginawang press confrence ng nagsabing hitman na si SPO3 Lascanas ay bahagi ng isang matagalangh political drama na layuning sirain ang pangulo at pabagsakin ang kanyang administrasyon.
Tuloy umano ang demolition job laban sa pangulo, dagdag pa ni Kalihim Andanar.
Hindi madali ang programa ng pagbabago lalo pa't nayanig ni Pangulong Duterte ang lipunan. Hindi mapipigil ang pamahalaan sa paglilingkod sa mga mamamayan, dagdag pa ni Secretary Andanar sa isang pahayag.
Gawa-gawa lamang ito ng mga politikong apektado ng mga pagbabagong inilunsad ng Duterte Administration.
Sinabi na umano ng Commission on Human Rights, Office of the Ombdusman at ng Senate Committee on Justice na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa extrajudicial killings at pagkakasangkot sa Davao Death Squad.
Naunang binanggit ni Edgar Matobato sa pagdinig sa Senador noong Setyembre sa Senado na si Arthur Lascanas ay parang henera l; sa pagkat kahit mga colonel ay nauutusan niya sa Davao City. Si Lascanas ang pinaka may poder sa mga pulis sa Davao City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |