|
||||||||
|
||
Lascanas, nagbigay ng detalyes hinggil sa Davao Death Squad
SINABI ni SPO3 Lascanas na ang mga kasapi ng Davao Death Squad ay itinatag noong unang panunungkulan ni Mayor Duterte bilang alkalde ng lungsod at tumatanggap ng hanggang P100,000 sa bawat pagpatay na ginagawa nila.
Ayon kay Lascanas na unang tumangging kabilang sa Davao Death Squad, sa lahat ng ginawa nilang pagpatay, inilibing man o itinapon sa dagat ay binabayaran ni Mayor Duterte at kadalasan at P 20,000. Minsan at P 50,000 depende sa estado ng target at may pagkakataong P100,000.
Ilang mga pulis at dating mga rebelde ang sangkot sa unang misyon ng Davao Death Squad, sa isang pagsalakay sa bahay ng sinasabing drug lord na si Allan Tancho. Idinagdag pa ni Lascanang na naglagay pa sila ng karatulang "Huwag pamarisan" matapos ang pagsalakay na ininasawi ng kasambahay ni Tancho.
Inakusahan din ni Lascanas si dating Mayor Duterte ng pambobomba sa mga mosque sa Davao City noong 1993 na unang binanggit ni Edgar Matobato.
Nagbayad umano si Duterte ng P200,000 sa pambobomba na pagganti sa pagkakasangkot ng pambobomba sa San Pedro Cathedral. Kumpirmado ni Lascanas na snagkot si Matobato sa pambobomba sa mosque. Natigil lamang ang pananalakay matapos lumabas ang balitang magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado sa kalagayan ng Davao City.
Inginuso rin ni Lascanas si Pangulong Duterte sa pagkamatay ng isang pinaghihinalaang kidnapper at ng kanyang buong pamilya. Ang mga tauhan ng Davao Death Squad ang nanambang sa sasakyan ng suspect sa General Santos City, dinukot ang sinasabing kidnapper, ang kanyang biyenang lalaki, nagdadalang-taong maybahay, ang kanilang apat na taong gulang na anak at dalawang katulong at dinala sa isang tagong pook.
Nagbigay umano ng pahintulot na patayin ang buong pamilya sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono. Sinabi ni Lascanas na nagbigay ng go signal si Mayor Duterte at idinadagdag pang sige, malinis lang.
Idinagdag pa ni Lascanas na kabilang siya sa binayaran ni G. Duterte na patayin si Jun Pala, isang brodkaster sa Davao City na kilala sa pagbubunyag ng katiwalin ng mga politiko.
Galit na galit umano si G. Duterte kay Jun Pala sapagkat palaging inaatake sa radyo, Nagbigay umano si G. Duterte ng P 2 milyon sa pagpaslang at P 500,000 para sa operational expenses.
Sinabi pa ni Lascanas na nakaligtas si Pala sa dalawang pananambang at sinabihan ni G. Duterte na maghinay-hinay hanggang sa napaslang si G. Pala.
May kinalaman din umano s G. Duterte sa pagdukot sa isang religious leader, si Jun barsabal mula sa Samal Island hanggang sa mapaslang ang biktima. Ayon kay Lascanas, dinala ng mga kasapi ng Davao Death Squad si Barsabal sa kanyang tanggapan at inutusan ang mga tauhang patayin ang biktima. Isang pulis ang nagsabing siya ang pumatay kay Barsabal sa pangakot aalagaan siya ni Mayor Duterte.
Dahil umano sa kanyang katapatan kay Mayor Duterte, napatay ang dalawa niyang kapatid sa pagkakasangkot sa illegal drugs. Handa na umano siyang mamatay matapos ang kanyang paglantad.
Handa na siyang patayin at kuntento na siya sa kanyang nagawa at nangako siya sa Diyos na gagawa siya ng isang public confession.
Umaasa siyang ang susundin ng kanyang mga kapwa pulis ang obligasyong "to serve and protect" sa halip na "to serve and collect."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |