|
||||||||
|
||
May kakayahan ang taong magbago
NANINIWALA ang artistang si Cherry Pie Pecache na mas makabubuting huwag nang ibalik ang parusang kamatayan sapagkat may pagkakataon ang nagkasalang magbago.
Isa si Bb. Pechace sa mga nagsalita sa Tapatan sa Aristocrat at nagsabing nakausap na niya ang pumatay sa kanyang ina dalawang taon na ang nakalilipinas. Naniniwala siyang higit na maghihilom ang sugat sa oras na manatili sa piitan ang utak ng karumal-dumal na krimen na ikinasawi ng kanyang ina.
Sa paglipas ng mga taon, makakamtan na rin ng mag kagagawan ng krimen ang pagpapatawad ng kanyang pamilya. Kung daraanin sa death penalty, madaling makakaiwas ang nagkasala sa kanyang pamilya sa panahong ipamamalagi sa New Bilibid Prison. Binigyan niyang halaga ang kahulugan ng "restorative justice" sa Tapatan sa Aristocrat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |