Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uusap ng Chinese at Philippine Coast Guard, naganap

(GMT+08:00) 2017-02-22 18:59:47       CRI

Pag-uusap ng Chinese at Philippine Coast Guard, naganap

NATAPOS na ang ikalawang Organizational Meeting at ang Inaugural Meeting ng Joine Coast Guard Committee kanina. Nagsimula ang pagpupulong noong nakalipas na Lunes sa Subic Bay sa Zambales. Naganap ang pulong upang ipatupad ang nilalaman ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Coast Guard sa pagtatatag ng Joint Coast Guard Committee on Maritime Cooperation na nilagdaan noong ika-20 ng Oktubre at sinaksihan nina Chinese President Xi Jinping at Philippine President Rodrigo R. Duterte.

Naging panauhing pandangal sa inaugural meeting si Undersecretary Felipe A. Judan, ang Undersecretary for Maritime Sector ng Department of Transportation. Suportado niya at ng kanyang kagawaran ang Coast Guard diplomacy. Ang pagkakaunawaan ng magkabilang-panig, pagtutulungan at pagkakaibgain ng dalawang coast guard ang higit na magpapalakas sa bilateral relations ng dalawang bansa.

Sa pagpupulong, ayon sa pahayag ng Embahada ng Tsina sa Maynila, kinilala ng magkabilang-panig ang coast guard diplomacy. Ipatutupad nila ang Implementing Guidelines ng Memorandum of Understanding at Terms of Reference ng working groups na itinatag upang tumulong sa magkabilang-panig. Nagkaisa ang dalawang coast guard na magtutulungan upang masugpo ang drug trafficking at iba pang transnational crimes, pagtitibayin din ang Search and Rescue, environment protection at emergency response sa pagpapalitan ng impormasyon sa abot ng makakaya ng dalawang panig.

Naitatag na rin ang hotline na mag-uugnay sa dalawang tanggapan. Magpapalitan sila ng pagdalaw sa kanya-kanyang mga bansa ngayong taong 2017, magkakaroon din ng high-level visits, maritime oeprations at related exercises, pagdalaw ng mga sasakyang-dagat at capacity building. Inanyayahan ng Chinese Coast Guard ang Philippine Coast Guard na magsagawa ng high level visit sa China ngayong taon.

Matapos ang pag-uusap, lumagda ang magkabilang panig sa Record of Discussion.

Lumahok din sa pagpupulong ang Office of the Foreign Affairs Leading Groups ng Chinese People's Congress, Chinese Ministry of Foreign Affairs, at ang Department of Foreign Affairs ng Pilipinas.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>