|
||||||||
|
||
170215melo.mp3
|
Mga papel sa bangko ni Pangulong Duterte, maaaring ilabas
SINABI ng Malacanang na maaaring ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tala ng kanyang bank transactions kasunod ng pagbuhay na muli ni Senador Antonio Trillanes IV ang sinasabing P 2 bilyon.
Niliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na gagawin ito hindi upang sagutin ang mga paratang ni Senador Trillanes.
Ilang araw bago sumapit ang halalan noong nakalipas na ikasiyam ng Mayo, pinalabas na ni G. Duterte ang mga sertipiko sa balanse ng kanyang deposito sa Bank of Philippine Islands subalit hindi ang transaction history.
Ayon kay Secretary Abella, inuulit lamang ni Senador Trillanes ang kanyang mga akusasyon Bahagi lamang ito ng ingay sa larangan ng politika, dagdag pa ni Secretary Abella.
Sa naunang panayam kay Secretary Abella, nabanggit niyang kailangang maging maingat si Senador Trillanes sa kanyang mga akusasyon.
Nabanggit ni Senador Trillanes sa isang press conference na handa siyang magbitiw kung mapatutunayan ni Pangulong Duterte na mali ang kanyang mga akusasyon.
Binanggit ni Secretary Abella na kailangang patunayan ni Senador Trillanes ang kanyang mga akusasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |