Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uusap ng Chinese at Philippine Coast Guard, naganap

(GMT+08:00) 2017-02-22 18:59:47       CRI

EdSA People Power I, hindi nararapat limutin

NAGKAKAISANG nanawagan ang mga namumuno sa iba't ibang sektor na hindi maaaring talikdan ang kahalagahan ng Edsa People Power I na naganap may 31 taon na ang nakalilipas.

Ito ang sinabi nina Reli German ng August Twenty One Movement (ATOM), Atty. Aleta Tolentino ng People Power Volunteers for Reform, May Rodriguez na tagapagsalita ng Bantayog ng mga Bayani Foundation, Rachel Contreras ng Millennials Against Dictatorship at Dr. Crispin Maslog, isang dating publisher ng community paper sa Dumaguete City at naging propesor sa Asian Institute of Journalism sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido.

Sa pagpapatalsik sa rehimeng Marcos noong 1986, nagkaroon ng kalayaan ng pamamahayag at naibalik ang kalayaan sa larangan ng politika. Ang isa sa mga problema ng bansa ay naging pabaya na ang mga mamamayan sa kanilang nakamtan kaya't unti-unting naglalaho ang kahalagahan ng payapang pag-aaklas ng mga mamamayan.

Ayon naman kay Atty. Larry Gadon, isang tagapagtaguyod ng Kilusang Bagong Lipunan, ang partido politikal ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, higit sanang umunlad ang Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng napatalsik na pangulo.

Ipinagmalaki ni Atty. Gadon na hindi nangulimbat ng salapi mula sa kaban ng bayan si Pangulong Marcos. Ipinaliwanag naman ni Gng. May Rodriguez na hindi nga nagmula sa kaban ng bayan ang salaping kinulimbat ng mga Marcos kungdi sa mga pautang ng iba't ibang bangkong multilateral.

Mariing itinanggi ni Atty. Gadon ang pahayag na ito subalit sinabi ni Gng. Rodriguez na ang salaping inihahandang ibigay sa mga biktima ng karahasan ni G. Marcos noong Martial Law ay mula sa mga deposito ng mga Marcos sa Switzerland. Kinailangan pang magtungo at humarap ng Swiss ambassador upang isauli ang salapi kasabay ng pangakong magkakaroon ng mga pagbabago sa kanilang sistema ng pagbabangko.

Bagama't simple ang inihahandang paggunita ng Duterte Administration sa EDSA People Power I, sinabi ni G. German na hindi nila mawari kung ano ang tunay na motibo ng administrasyon sa pagpapatawag ng mga dadalo sa isang pagtitipon ng mga maka-Duterte sa darating na Sabado, kasabay ng pagdiriwang ng mga nagtataguyod ng EDSA People Power I.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>