|
||||||||
|
||
20170217melo.mp3
|
Senador Leila de Lima, inireklamo na sa hukuman sa Muntinlupa
IPINARATING na ng Department of Justice ang tatlong hiwalay na reklamong may kinalaman sa illegal drugs laban kay Senador Leila de Lima sa diumano'y pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.
Kinasuhan si Senador de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court sa paglabag sa Section 5 (pagbibili at pagkakalakal ng illegal drugs) na may koneksyon sa Section 3 paragraph jj, Section 26 paragraph b at Section 28 (criminal liability ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan) ayon sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Wala pang hukom na hahawak ng usapin sapagkat hindi pa nagaganap ang raffle. Ang hukom na siyang dirinig sa reklamo ang siyang maglalabas ng arrest warrant. Kabilang sa inireklamo si dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu.
Kasama rin sa reklamo sina Ronnie Dayan, ang sinasabing driver-bodyguard ni Senador De Lima, dating BuCor Officer-in-Charge Rafael Ragos, Jose Adrian Dera, sinasabing pamangkin ni Senador de Lima, dating tauhan ni Bucayu na si Wilfredo Elly, Presidential Security Group member Joenel Sanches, at Jaybee Sebastian.
Pinawalang saysay ang reklamo laban kay dating Justice Undersecretary Francisco Baraan sa kakulangan ng ebidensya. Pinawalang saysay din ang mga reklamo laban sa ilan panga mga tao na magagamit na saksi ng pag-uusig.
Samantala, sinabi ni Senador De Lima na biktima siya ng political persecution. Paglapastangan ito sa katotohanan at katarungan. Lalaban umano siya hanggang kanyang makakaya at hindi siya magigipit.
Inaasahan na umano niya ang pagdakip sa kanya matapos sabihin ni Justice Secretary Aguirre na patapos na ang imbestigasyon laban sa dating kalihim ng Department of Justice.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |