Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uusap ng Chinese at Philippine Coast Guard, naganap

(GMT+08:00) 2017-02-22 18:59:47       CRI

Bank of China, magtataguyod ng micro-small-medium enterprises sa Pilipinas

MGA FILIPINO AT TSINONG MANGANGALAKAL, NAGKASUNDO. Makikita sina G. George Barcelon, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry dulong kaliwa), G. Deng Jun, country manager ng Bank of China, Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya at Ambassador Francis Chua, punong-abala sa International Chamber of Commerce (dulong kanan) sa isang souvenir photo bago nagsimula ang media briefing sa papel ng BoC sa micro, small at medium enterprises.

SINABI ni G. Deng Jun, pinuno ng Bank of China na handa silang tumustos sa mga programang pangkaunlaran ng mga mangangalakal na Filipino. Sa isang media briefing, sinabi ni G. Deng na ang kanyang bangko, ang ika-apat sa pinakamalaking bangko sa daigdig, ay umaasang mapatitibay ang relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina bilang bahagi ng "Belt and Road Initiative."

Mabubuksan ang mga oportunidad para sa mga mangangalakal at magiging tulay ang kanilang bangko sa paghahatid ng kalakal sa pagitan ng dalawang bansa.

Layunin din ng pamahalaang Tsino na magkaroon ng ugnayan ang mga mangangalakal sa Asia, Europa at Africa sa pamamagitan ng Belt and Road trade routes.

Dalawang bahagi ang estratehiyang ito tulad ng Silk Road Economic Belt na mag-uugnay sa Central Asia, West Asia, Middle East at Europa samantalang ang Maritime Silk Road ay mabubuoo sa pagtutulungan ng mga bansang nasa Southeast Asia, Oceania at North Africa sa pamamagitan ng South China Sea, South Pacific Ocean at Indian Ocean.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Deng na pagpapatotoo lamang ito sa mga napagkasunduan ng Pilipinas at Tsina sa pagtatatag ng communication platform sa pagitan ng mga small at medium enterprises ng dalawang bansa.

Sa kasunod na press conference, sinabi ni G. Deng na interesado ang mga kumpanyang Tsino sa sektor ng turismo sapagkat inaasahang maraming Tsinong turista ang dadagsa sa Pilipinas mula ngayong taong 2017.

Ang mga mangangalakal ay interesado sa pagtatayo ng mga resort at mga hotel kasabay na rin ng mga gagawa ng kagamitang kailangan sa mga tourist destinations.

Sa panig ni G. George Barcelon, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, sinabi niyang malaki ang nagawa ng pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing noong nakalipas na Oktubre sapagkat sinabi na rin ni Chinese President Xi Jinping na mapahihintulutan ang mga Tsinong dumalaw sa Pilipinas kaya't magkakaroon ng problema sa mga pagawaing-bayan o infrastructure. Walang problema sa services sector sapagkat maraming mga kwalipikadong mga Filipino para sa sektor na ito. Sa larangan ng tourist destinations, maraming mga magagandang pook na madadalaw sa Pilipinas.

Wala ring nakikitang problema si G. Barcelon sa mga mangangalakal na Tsino sapagkat malaki ang posibilidad na ang mga dadayo sa Pilipinas na negosyante ay dati nang nagnenegosyo sa larangan ng turismo.

Buhay, ani G. Barcelon ang turismo sa Tsina kaya't malaki ang posibilidad na makarating sa bansa ang mga kumpanyang Tsino sa pagpasok sa industriya ng turismo.

Ipinaliwanag naman ni Ambassador Francis Chua, punong-abala ng International Chamber of Commerce na walang problema ang infrastructures sapagkat kung kailangan ang mga ito, maitatayo ang mga ito sa madaling panahon. Hindi rin problema ng pera sapagkat maraming salapi sa Pilipinas at mayroong mga handang tumustos sa mga proyektong tulad nito.

Mas maganda na ang kalakaran sa mga pamahalaang lokal. Ito naman ang tiniyak ni Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya sa tanong kung hindi mahihirapan ang mga banyagang nais magkalakal sa Pilipinas. Makikita na ang pagbabago sa bilis ng pagproseso ng mga kaukulang pahintulot sa mga nagsisimulang magnegosyo.

 


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>