|
||||||||
|
||
20170224 Melo Acuna
|
INUTOS ng Muntinlupa Regional Trial Court na mabimbin si Senador Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay Atty. Alex Padilla, isinaad sa kautusan ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na nararapat dalhin ang kanyang kliyente sa loob ng punong tanggapan ng Philippine National Police.
Ayon kay Atty. Padilla, tinanggap na yung return of the arrest warrant at may commitment sa PNP Custodial Center. Wala nang nakikitang problema si Atty. Padilla.
Ibinalik si Senador de Lima sa Campo Crame kaninang alas dose ng tanghali matapos lumabas ang memorandum sa paglilipat sa kanya sa PNP Custodial Center.
Sumailalim si Senador de Lima sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame upang sumailalim sa booking procedures. Dinala siya sa Muntinlupa at itinanghal sa hukuman para maibalik ang warrant of arrest. Inaasahan ding sasailalim sa parehong procedures ang kapwa niya akusado na sina Ronnie Dayan at dating Bureau of Corrections chief Rafael Ragos.
Walang air conditioner sa silid ng senador subalit mayroong electric fan. Maayos naman ang kanyang silid sa detention center.
Naroon din sina Senador Ramon "Bong" Revilla at Jose "Jinggoy" Estrada na kapwa ipinakulong ni Senador de Lima noong Justice Secretary pa siya sa ilalim ng Aquino administration.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |