|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap
200 grams ng karne ng baboy
2 itlog
50 grams ng black fungus, ibinabad sa tubig
50 grams ng day lily, ibinabad sa tubig
Para sa Seasoning
30 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng tinadtad na shallot
5 grams ng tinadtad na luya
5 grams ng asukal
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Preparasyon
Hiwa-hiwain ang karne ng baboy sa katamtamang laki. Batihin ang itlog. Hugasan ang black fungus at lily tapos pakuluan at itabi muna.
Paraan ng Pagluluto
Mag-init ng 20 grams ng mantika sa kawali. Igisa ang shallot at luya tapos idagdag ang itlog. Halu-haluin hanggang maluto ang itlog.
Hanguin ang iginisa sa shallot at luyang itlog, ilagay sa isang plato at itabi muna.
Mag-init ng 10 grams ng mantika sa kawali. Iprito ang mga piraso ng karne ng baboy. Pag medyo kulay brown na ang karne, idagdag ang black fungus, day lily at itlog. Timplahan ng asin at lagyan ng mixture of cornstarch and water bago haluing mabuti. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |