|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
200 grams ng lean pork
Para sa Seasoning
20 grams ng vegetable oil
20 grams ng shallot o sibuyas Tagalog
50 grams ng sweet fermented flour paste
5 grams ng asin
10 grams ng cooking wine
20 grams ng asukal
1 itlog
20 grams ng flour
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Tadtarin ang shallot at ilagay sa isang mangkok. Basagin ang itlog at ihiwalay ang egg white. Ilagay ang egg white sa isang tasang maliit. Itabi ang egg yolk para sa ibang gamit. Hiwain nang manipis at pahaba ang karne tapos lagyan ng cooking wine, egg white at flour.
Haluing mabuti. Initin ang mantika sa kawali at iprito ang karne. Hanguin ito pagkaprito at itabi muna.
Sa isang hiwalay na kawali, initin ang sweet fermented flour tapos idagdag ang asin, asukal at mixture of cornstarch and water. Pag natunaw na ang asukal at lumapot ang sauce, ilagay ang mga piraso ng karne at haluing mabuti hanggang mabalutan ng asukal at sauce ang mga ito. Hanguin ang karne, ilagay sa isang serving plate, budburan ng tinadtad na shallot at i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |