|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ambassador Chito Sta. Romana, nagtungo na sa Beijing

AMBASSADOR CHITO STA. ROMANA, NAKIPAGKITA NA SA PROTOCOL OFFICER NG MOFA. Makikita si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana (kaliwa) na nagaabot ng kanyang credentials kay Deputy Director General Zhang Yiming ng Protocol Department ng Ministry of Foreign Affairs. Susunod na ang kanyang pakikipagkita kay Pangulong Xi Jinping. (Philippine Embassy Photo)
NAKIPAGKITA na si Philippine Ambassador to China Jose Santiago "Chito" Sta. Romana kay Deputy Director General Zhang Yiming ng Protocol Department ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina.
Ito ang unang hakbang sa kanyang napipintong pagbibigay ng mahahalagang papeles kay Pangulong Xi Jinping sa mga susunod na araw.
Wala pang itinakdang petsa ang Ministry of Foreign Affairs subalit inaasahan na ito sa mga susunod na linggo.
Bago nahirang na Philippine Ambassador sa Tsina, naglingkod si G. Sta. Romana sa ABC News bilang Bureau Chief sa Beijing mula noong 1989 hanggang sa kanyang pagreretiro mga ilang taon na ang nakalilipas.
Isang bantog na lecturer sa Asian Center ng University of the Philippines sa Diliman, nagawaran siya ng Emmy Award sa news at documentary category noong 2000. Samantala, noong 2008, pinarangalan din siya ng Overseas Press Club of America sa kanyang coverage sa lindol na yumanig sa Tsina.
Naglingkod din siya bilang pangulo ng Philippine Association of Chinese Studies. Nagtapos siya ng Economics sa University of the Philippines.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |