TINANGGAL sa kanilang mga posisyon sa Senado ang mga kasapi sa Partido Liberal. Kabilang sa tinanggal si Senate President Pro Tempore Franklin M. Drilon.
Sa simula ng sesyson, hiniling ng batikang boksingerong senador na si Manuel Pacquiao na ideklarang bakante ang posisyon na Senate President Pro Tempore. Tumayo si Senador Drilon subalit hindi siya nagtanong sa bagitong senador. Sumang-ayon pa siya sa mosyon.
Matapos ang ilang sandali, hiniling ni Senador Pacquiao na kilalanin bilang Senate President Pro Tempore ang senate minority leader na si Ralph Recto na sinang-ayunan naman ni Senador Francis Escudero.
Mula sa 23 senador na nasa sesyon, 17 ang pumabor kay Recto. Ipinadeklara din ni Senador Pacquiao na bakante ang mga posisyong chairman ng Committee on Health, Committee on Agriculture at Education. Pinalitan si Senador Risa Hontiveros ni Senador JV Ejercito, Committee on Agriculture Chair Kiko Pangilinan ay hinalinhan ni Senador Cynthia Villar at Committee on Education chair Bam Aquino ay pinalitan naman ni Senador Francis Escudero.
Mula ngayon, makakasama na sina Senador Drilon, Pangilinan at Hontiveros sa minorya. Si Senador Antonio Trillanes IV ang kapalit ni Senador Ralph Recto.
1 2 3 4 5