Walang anumang kondisyon sa pagsisimulang muli ng peace talks
NILIWANAG ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na walang anumang kondisyon upang magbalik muli ang magkabilang panig sa peace talks.
Ito ang niliwanag ni Secretary Dureza sapagkat nabanggit ni Pangulong Duterte kahapon sa Cagayan de Oro City na upang magbalik ang pag-uusap, kailangang magkaroon ng tunay na tigil-putukan at palayain ng mga rebelde ang kanilang bihay na kawal at sibilyan at itigil na ang pangingikil ng mga gerilya sa mga bahay-kalakal.
Sa panig ni G. Dureza, ang mga ito ay kagustuhan o kahilingan lamang. Hindi umano kundisyon ang mga ito sapagkat hindi magandang lumabas na dominante ang isa sa magkabilang-panig.
Idinagdag pa ni G. Dureza na naghihintay lamang siya ng magiging utos ni Pangulong Duterte bilang kasunod nang mga nabanggit sa Cagayan de Oro City.
1 2 3 4