Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, matagumpay sa mga pagdalaw sa Myanmar at Thailand

(GMT+08:00) 2017-03-23 18:45:12       CRI

Pangulong Duterte, matagumpay sa mga pagdalaw sa Myanmar at Thailand

IBINALITA ni Pangulong Rodrigo Duterte na tagumpay ang kanyang pagdalaw sa Myanmar at Thailand.

Sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kaninang madaling araw, sinabi ni G. Duterte na umaasa siyang higit na gaganda ang relasyon sa mga kalapit bansa sa ASEAN.

Maganda umano ang kanilang pag-uusap ni Pangulong U Htin Kyaw at pasisiglahin ang kalakal at investments sa pagitan ng dalawang bansa upang makinabang ang kani-kanilang mga mamamayan.

Maraming mga kumpanyang Filipino ang nagnanais ng mga bagong pamilihan sa rehiyon at sa Myanmar kaya't mahalaga ang economic partnerships sa pagitan ng pribadong sektor ng ASEAN. Napagkasunduan din nila ang pangangailangan sa pagpapatupad ng batas upang matugunan ang terorismo, pamimirata at drug trafficking.

Nagkasundo rin silang payabungin ang human resource development sa pamamagitan ng edukasyon, capacity-building at technical assistance. Kinilala rin ang pangangailangan ng sapat at murang pagkain para sa mga mamamayan ng Myanmar at Pilipinas.

Nagkaroon umano ng Memorandum of Understanding sa larangan ng Food Security at Agricultural Cooperation. Nakausap din ni Pangulong Duterte si Daw Aung San Suu Kyi at ipinarating niya ang suporta sa reform movement sa Myanmar. Suportado rin ni Pangulong Duterte ang mga hamong hinaharap ng mga komunidad sa Rakhine State.

Sa Thailand, nakausap niya si Prime Minister Prayut Chan-o-cha at kinilala ang pagtutulungan sa seguridad laban sa terorismo at sa banta ng droga. Magtutulungan din sa larangan ng sandatahang lakas ng Pilipinas, trade and investment, tourism, agriculture, science and technology, energy, education at iba pang larangan.

Tatlong mahahalagang dokumento ang nalagdaan, ang Agreement in the Field of Science and Technology, Implementing Agreement on Specific Areas of Cooperation on Swamp and Dairy Buffalo Production at ang Implementing Program on Tourism Cooperation 2017-2022.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>