|
||||||||
|
||
Karamihan ng mga naninirahan sa Metro Manila ang nakakaramdam ng kaligtasan
LUMABAS sa pagsusuri ng Pulse Asia na 82% ng mga naninirahan sa Metro Manila ang nakakaramdam ng kaligtasan dahilan sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
Ang kampanya ng National Capital Region Police Office mula unang araw ng Hulyo noong 2016 hanggang noong Nobyembre ng walang-humpay ng pagpapatupad ng batas ang nakatanggap ng 82% approval rating ayon sa survey na ginawa ng Pulse Asia mula ika-anim hanggang ikalabing-isa ng Disyembre sa Metro Manila.
Ikinagalak ni Police Director Oscar Albayalde ang lumabas na survey results kasabay ng kanyang pangakong tuloy pa rin ang crime prevention at suppression, war against illegal drugs at internal cleansing program.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |