|
||||||||
|
||
Pagpapalawak ng agri-insurance, kailangan
NANINIWALA ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na isang paraan ng pagsusulong ng agricultural insurance sa buong bansa ang pagpapalakas ng koneksyon sa pagitan ng local government units at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Sa isang pahayag, sinabi ni Research Fellow Celia Reyes at ng Research Associates na sina Adrian Agbon, Christian Mina at Reneli Ann Gloria, ang pagtutulungan ng PCIC at local government units ang pagdaragadag sa rate ng agricultural insurance sa mga magsasaka.
Mayroong 14 na LGUs sa buong bansa ang may partnership sa PCIC tulad ng Isabela, Tarlac, Pampanga, Quezon, Camarines Sur, Albay, Palawan, Capiz, Guimaras, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Agusan del Norte at Davao del Norte.
Sa pagkakaroon ng subsidyo mula sa pamahalaang local, nadagdagan ang mga nagpaseguro sa rice and corn farmers ng mga lalawigang ito.
Pinakadahilan ng Davao del Norte at Cebu ang epekto ng climate change samantalang ang kalusugan ng mga pananim ang dahilan ng mga taga Isabela at Negros Occidental kaya't kailangan nila ng crop insurance.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |