|
||||||||
|
||
Maraming gagawin ang bagong pinuno ng Presidential Security Group
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming gagawin ang bagong pinuno ng Presidential Security Group sapagkat mas maraming kalaban si Pangulong Duterte ngayon kaysa noong mga nakalipas na buwan.
Si Pangulong Duterte mismo ang nagsabi nito sa change of command ceremonies ng PSG. Isang Colonel Lope Dagoy ang kahalili ni Brig. General Rolando Joselito Bautista.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na sa dami ng kanilang ipinatupad na programa, maraming naapektuhan. Sa kanyang mga nagawa, marami rin ang naapektuhan sapagkat may mga taong nagalit sa kanyang mga repormang ipinatutupad. May mga apektado sa kampanya laban sa droga, sa katiwalian at krimen. May mga taong ayaw makita ang magiging tagumpay ng kanyang pamahalaan.
Si Colonel Dagoy ang kanyang military adviser na kapalit ni General Bautista na hinirang na commander ng 1st Tabak Division ng Philippine Army sa Zamboanga del Sur.
Nangako naman si Col. Dagoy na gagawin niya ang lahat upang ipagtanggol si Pangulong Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |