|
||||||||
|
||
Monetary policy ng bansa, hindi binago
PANANATILIIN ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang overnight reverse repurchase facility sa 3.0%. Ang interest rates sa overnight lending at deposit facilities ay pinanatili rin. Ang reserve requirement ratios ay hindi rin binago.
Ito ang desisyon ng Moneratory Board sa kanilang pagpupulong ngayon. Ang desisyon ay ayon sa kanilang pagsusuri na ang outlook para sa inflation ay hindi kasingbigat ng inaasahan at naayon sa growth prospects. Sa pagkakaroon ng average headline inflation sa unang dalawang buwan ng 2017 na tumaas dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain at petrolyo at base effects, ang pinakahuling baseline forecast ay mas mababa kaysa na mga nakalipas na forecasts at nasa target range na 3.0% ± 1 percentage point para sa 2017-2018.
Sa isang pahayag ng Bangko Sentral ng Plipinas kaninang hapon, sinabi nilang ang Monetary ang mga panganib dulot ng inlation ay nagpapakita ng posibilidad na tumaas pa sanhi ng magiging epekto ng panukalang tax reform program at pagkakaroon ng posibleng adjustments sa pamasahe at kuryente.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |