|
||||||||
|
||
20170327Meloreport.m4a
|
NANINIWALA si Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang mga inilathala ng New York Times hinggil kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang kampanya laban sa droga ay may koneksyon sa pagkilos na magpapatalsik sa pinuno ng bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Secretary Abella na maliwanag ang demolition job ng New York Times laban sa mataas na approval ratings na nakakamtan ni Pangulong Duterte.
Idinagdag pa ni Secretary Abella na makikitang mayroong ilang mga tao, kabilang ang ilang mga politico na gumastos sa kampanya upang ilaglag si G. Duterte. May dalawang ulat ang New York Times at isang editorial sa loob lamang ng isang lingo.
Namamayad rin umano ng mga manunulat upang gumawa ng makasasamang ulat laban sa pangulo.
Hindi umano matitinag ang Pamahalaang Duterte sa kampanya nito laban sa droga at sa pangakong magkaroon ng maunlad na bansang walang anumang katiwalian, dagdag pa ni G. Abella.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |