Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lathalain sa New York Times may koneksyon sa pagpapatalsik kay Pangulong Duterte

(GMT+08:00) 2017-03-27 18:30:29       CRI

Paglalakbay ng hukom patungong Indonesia, pinigil ng Court of Appeals

PINAGBIGYAN ng Eleventh Division ng Court of Appeals ang petisyon nina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na huwag pahintulutang maglakbay patungong Yogyakarta, Indonesia sina Judge Anarica J. Castillo-Reyes bilang presiding judge ng Regional Trial Court Branch 88 sa Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Magugunitang humiling ng pahintulot si Judge Castillo-Reyes na maglakbay mula ika-26 hanggang ika-28 ng Abril 2017 upang magmasid sa deposition proceedings na gagawin ng Philippine Consular Official mula kay Mary Jane Veloso sa Indonesia. Nagparating ng kanilang kahilingan sina Bb. Sergio at G. Lacanilao na huwag pahintulutan ang paglalakbay sapagkat nagkaroon ng pag-abuso ang hukom sa kakulangan ng hurisdiksyon.

Naglabas ang Court of Appeals ng Temporary Restraining Order na magkakabisa ng 60 araw. Nangangahulugan itong walang anumang paglalakbay ang hukom at mga kasama upang magmasid sa magiging pahayag ng nahatulan ng parusang kamatayan ng hukuman sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>