|
||||||||
|
||
Dalawang eroplano mula sa Japan, tinanggap na ng pamahalaan
PORMAL na tinanggap ng Philippine Navy ang dalawang Beechcraft TC90 training aircraft mula sa Japan Ministry of Defense sa simpleng seremonya sa headquarters ng Naval Air Group sa Naval Base Heracleo Alano sa Sangley Point, Cavite City kaninang umaga.
Sinaksihan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Japanese State Minister of Defense Kenji Makamiya. Nagkaroon ng water cannon salute sa pagdating ng eroplano tungo sa himpilan nito.
Inarkila ng Pilipinas ang TC90 mula sa Japan Ministry of Defense upang magamit ng Philippine Navy sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief Operations, limited transport and Maritime Domain Awareness na kinabibilangan ng Maritime Air Surveillance and Intelligence Surveillance Reconnaissance.
Ayon sa pahayag ng Philippine Navy, ang buong proyekto ay kinabibilangan ng TC90s ayon sa kasunduan ng Japan at Pilipinas na nilagdaan noong ika-29 ng Pebrero ng taong 2016. Darating ang tatlong eroplano sa pagtatapos ng Marso 2018.
Babayaran ng Philippine Navy ang mga eroplano sa halagang US$ 28,000 bawat taon samantalang naghihintay ng basehang legal upang makapagkaloob ang Japan ng defense materials sa ibang bansa.
Nagsasanay na ang dalawang NAG pilots sa TC90 transition para sa pilot-in-command, test pilot at instructor pilot sa Tokushima, Japan samantalang sumailalim na sa pagsasanay ang anim na iba pang tauhan ng Philippine Navy sa Sendai at Tokushima, Japan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |