|
||||||||
|
||
Tatlong Malaysian nationals, nailigtas ng mga kawal
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu ang tatlong Malaysian hostages kagabing bago naghatinggabi.
Ito ang ibinalita ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa pamamagitan ng isang pahayag. Nailigtas sina Zulkipli Bin Ali, Mohammad Ridzuan Bin Ismail at Fandy Bin Bakran sa barangay Jinggan sa bayan ng Panglima Estino sa Sulu. Dinukot ang mga Malaysian noong nakalipas na taon.
Kasunod ito ng pagkakaligtas sa dalawang Malaysian nationals noong nakalipas na Huwebes, ika-23 ng Marso. Iniwanan na lamang ang Malaysian nationals ng mga Abu Sayyaf sa ilalim ni Alhabsy Misaya sa bulubunduking bahagi ng barangay. Nagbubunga na ang military operations at ang pagtangging magbayad ng ransom kaya't iniwanan na lamang ang mga biktima, dagdag pa ni General Año.
Magugunitang ang tatlong Malaysian nationals ay bahagi ng mga tripulante n Tugboat Serudung 3 na pinasok ng mga bandido sa ilalim ni Sibih Pissih noong ika-19 ng Hulyo 2016 sa Tambisan, Lahad Datu, Malaysia. Mayroon pang 20 mga banyagang bihag ang Abu Sayyaf at pitong mga Filipino. Kabilang sa mga banyaga ang mga Indones, Vietnamese at mga Dutch.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |