|
||||||||
|
||
Senador Shahani, inihatid na sa huling hantungan
INILIBING na ang labi ni Senador Leticia Ramos Shahani sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque kanina. Ginawaran siya ng gun salute ng mga kawal ng pamahalaan bilang pagkilala sa kanyang paglilingkod bilang isang diplomata at mambabatas.
Dumalo ang mga kamag-anak at mga kaibigan at nagbigay galang sa yumaong mambabatas bago inihatid sa libingan. Nagkaroon din ng religious service ang Brahma Kumaris para sa yumao.
Kasama rin sa mga dumalo si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Umawit din si Grace Nono sa memorial service. Magtatanghalian ng ilibing ang yumaong mambabatas. Pumanaw ang mambabatas noong Lunes, ika-20 ng Marso sa edad na 87 sanhi ng cancer. Madalas siyang naging panauhin sa lingguhang "Tapatan sa Aristocrat" at "Wednesday Roundtable @ Lido" sa mga paksang may kinalaman sa South China Sea at diplomasya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |