|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1/2 kilong rice noodles o bihon, ibinabad
1/2 kilong manok, nilaga at hinimay
1/4 kilo ng hipon, tinanggalan ng shell
1/2 mangkok ng ginayat na Baguio beans
3 kutsara ng cooking oil
1 kutsarita ng bawang, tinadtad
1 sibuyas, tinadtad
1 carrot, ginayat nang manipis at pahaba
1 mangkok ng ginayat na repolyo
2 mangkok ng sabaw ng manok
Toyo at paminta
Paraan ng Pagluluto
Sa isang kawali, initin ang cooking oil tapos igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon. Timplahan ng toyo at paminta. Idagdag ang mga gulay. Iluto ang mga gulay hanggang sa magkatas. Ibuhos ang sabaw. Pagkulo, ilagay ang rice noodles. Lutuin ang noodles hanggang sa manuyu-nuyo. Pagkaraan, ihain. Samahan ng patis at kalamansi sa paghahain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |