Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlumpu't anim katao, nasawi sa Resorts World kaninang madaling-araw

(GMT+08:00) 2017-06-02 18:23:55       CRI

LUBHANG malungkot ang balitang inilabas ng Resorts World, isa sa mga tanyag na resort – casino complex sa Pasay City matapos makilala ang karamihan sa mga nasawi sa pagpapaputok at pagsunog ng gaming area at mga silid kaninang bago nag-ala-una ng madaling araw.

Nakilala ang 13 sa mga nasawi bilang mga kawani ng Resorts World samantalang 22 ang mga panauhin. Inaalam pa ang pangalan ng dalawang kawani at apat na panauhing nasawi sa insidente.

Pinasabihan na ang mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga nasawi. Ayon sa pahayag, kinikilala ng Resorts World ang kanilang kawani at panauhin bilang pamilya.

DIRECTOR ALBAYALDE: TULOY PA ANG IMBESTIGASYON.  Ito ang tiniyak ni Director Albayalde ng PNP National Capital Region Police Office sa sang briefing sa Malacanang.  Naniniwala siyang hindi terorismo ang naganap bagkos ay pagtatangkang magnakaw.  Naniniwala rin siyang may sakit sa pag-iisp ang may kagagawan.  (File Pholo/Melo Acuna)

Sinabi ni Director Oscar Albayalde sa isang press briefing sa Malacanang na nabawi na nila ang labi ng mga biktima mula sa Resorts World sa Pasay City kanina. Na sa tapat lamang ito ng Ninoy Aquino International Airport Terminal III. May 54 katao ang dinala sa mga pagamutan matapos makalanghap ng maitim na usok samantalang may mga nasugatan din.

Sinabi ni Director Albayalde na isang maputing mukhang banyaga na may problema sa pag-iisip ang dumating sa Resorts World na may dalang baby armalite. Hindi pinaputukan ang mga tao. Ang pinuntirya niya ay ang mga CCTV cameras at nangulimbat ng P113 milyong halaga ng casino chips. Nakita pa sa security cameras na nakaupo sa hagdan ang suspect bago nagtungo sa ikalawang palapag at sinunog ang isang luxury car.

Nabawi rin ang casino chips sa isang silid ng gusali.

Sinindihan niya ang tatlong gaming table sa casino upang mawala ang pansin ng mga security personnel sa kanya. Naghabulan at nagkaputukan hanggang sa pumasok sa silid na may bilang na 510 sa ikalimang palapag. Karamihan sa mga nasawi ay dahilan sa pagkakalanghap ng maitim na usok.

Nakilala na rin nila ang may-ari ng sasakyang ginamit ng armado subalit 'di muna binunyag ang pangalan samantalang tuloy pa ang imbestigasyon.

May dalawang pangalang tunog banyaga sa mga nasawi. Sila'y nagtataglay ng pangalang Lai Wei Chung at P Ling Hung Lee.

PAGCOR, MAY KOORDINASYON NA SA IBA'T IBANG OPERATOR.  Sinabi ni Phil. Amusement and Gaming Corporation Chair Andrea Domingo na ginagawa nila ang koordinasyon sa iba't ibang kumpanyang may gaming operations upang matiyak ang kaligtasan ng mga panauhin at kawani. (File Photo/Melo Acuna)

Samantala, sinabi naman ni Chair Andrea Domingo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ikinalulungkot nila ang naganap sa Resorts World na kagagawan ng isang pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip.

Nais lamang ng may kagagawan ng krimen na magnakaw at ginamit ang apoy bilang pangligaw sa mga autoridad. Hindi umano ito terorismo, dagdag pa ni Chairperson Domingo.

Nakikipag-ugnayan na ang PAGCOR sa management ng Resorts World at iba pang may pahintulot na gaming establishments upang matiyak ang kaligtasan ng mga panauhin at mga kawani.

Ipinaliwanag pa ng management ng Resorts World na nakabarilan nila at nasugatan ang sumalakay. Nagkulong sa silid ang lalaki at nagsindi ng kumot hanggang sa magkasunog at masawi na rin siya.

Hindi umano totoo ang balitang dalawa ang may kagagawan ng pagsalakay.

Ito ang malaking pangyayaring sumunod sa madugong hostage-taking incident noong ika-23 ng Agosto, 2010 ng mangbimbin ang isang suspendidong pulis ng mga turistang mula sa Hong Kong ng may sampung oras. Walong taga-Hong Kong ang nasawi at may mga nasugatan. Napaslang din ang nang-hostage na pulis.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>